Tag Archives: litratong pinoy

Litratong Pinoy – Likas (nature)

Likas sa ating mga Filipino ang pagiging madasalin. Humihingi tayo ng awa sa Maykapal sa tuwina. Nagpapasalamat sa mga biyayang natanggap o makakamit pa lamang. Ang kaugaliang ito ng mga Pinoy ay lumalabas kahit saan mang panig ng mundo makarating. Kasaysayan ang makakapagsabi kung paano naging sandata ng mga Filipino ang panalangin sa oras ng pangangailangan.

Ang mga larawang ito ay kuha mula sa Shrine of the Divine Mercy sa Bulacan noong kami ay mag fieldtrip nang nakaraang buwan.

Marami pang larawan ang makikita rito, paki-pindot lang ang badge.

Litratong Pinoy – Kalikasan

Magandang araw Ka-LP! Ang lahok ko ngayon ay kuha mula sa maraming larawang aking tinipon nang kami ng aking anak ay sumama sa field trip sa Bulacan at Subic noong isang buwan.

Kinunan ko ang berdeng taniman ng mga mga palay sa kahabaan ng North Luzon Expressway o NLEx. Matagal na akong hindi nakakapagbiyahe ng ganoong kalayo kaya para naman akong na-excite na kunan ang dinadaanan naming palayan. Tumatakbo ang sinasakyan naming bus. Medyo maswerte lang ako at nakunan ko ng maayos ang mga larawang ito.

 Kay gandang pagmasdan ng kalikasan, hindi ba? Harinaway makakita pa tayo ng ganitong kagandang tanawin sa hinaharap.

Sana nagustuhan niyo ang lahok kong ito. Marami pang lahok ang naghihintay sa inyo dito.  

Litratong Pinoy – Batik/Mantsa

Sabi ko na nga ba mantsa lang ito at hindi orb. Nakita mo ba yung puting tuldik sa tabi ng buwan? Oo yan nga. Nakatuwaan kong kuhaan ng piktyur ang buwan kasi ang liwanag at napakagandang pagmasdan nito. Matapos kong kunan gamit ang aking digital camera, napansin ko ang puting bagay na ‘yan. Ang sabi nila orbs daw ‘yang bagay na ‘yan o espiritung ligaw. Natakot pa nga ako kasi, ‘yung ikalawang kuha ay sobrang lapit na nung puting bagay. Pero nung minsan manood ako ng TV may nagpaliwanag tungkol sa mga puting bagay na nagre-reflect sa larawan. Maaari daw repleksyon ng ilaw o kaya naman ay hamog. Dahil sa madilim naman nung kumuha ako ng litrato, gusto kong maniwala na patak lang ng hamog ang nakunan ko at hindi orb. ngii