Maganda araw mga ka-LP dito ko na sa site na ito ipo-post ang lahat ng entry ko sa Litratong Pinoy simula sa araw na ito. Kaya heto sisimulan ko na. Nakatuwaan kong kunan ng larawan ang buwan isang umaga matapos kong ihatid ang mga bata sa school service nila. Napansin kong manipis pa ang ulap sa kalangitan kaya kay gandang tingnan ng buwan nang umagang ‘yon. Pwede na ba yan? 🙂
Dalawin naman natin ang iba pang kalahok sa linggong ito. Pasensya na pala sa mga hindi ko napasyalan noong nakaraang Linggo, promise babawi ako ngayong Linggo. Paki-click lang ang badge para puntahan ang homepage ng Litratong Pinoy. Magandang araw sa lahat! 🙂
Yeah ok na. Nice shot for the entry.
Maligayang Huwebes, Yam!
OK! gusto ko din masdan ang moon sa umaga 🙂
happy lp!